| — | Iain Thomas, I Wrote This For You (via 4mbivalent) |
Sa tinagal tagal mo na dito, ni minsan pala hindi mo nakausap yung sarili mo. Lagi kang busy sa pagtatrabaho. lagi kang pagod at puyat. Madalas mo lang ksama yung mga kaibgan mo habang nag gagaguhan lang kayu. Madalas masaya yung mga trip nyu. Pero dadating ka sa point na halos dalawang araw ka na palang hindi pumapasok. Matindi pa din yung ubo mo na nagrerelease ng perfect plema at hirap na hirap kana pero nagyoyosi ka pa din kahit hindi mo na kaya.
Magkakaroon ng perfect timing dahil kahapon pa sira ang aircon nyu at iinit ng wagas sa buong bahay nyu. Pero uulan ng malakas at maririnig mo lang ang raindrops sa labas ng bahay habang nagpapatutogtog ka ng music ng gagong rapper. Pero mumurahin ka ng karoomate mo kaya papalitan mo nalang ng yeng constantino. babalutin kka ng katamaran ng buhay. Hindi ka maxadong kikilos. mawawalan ka ng gana kumain dahil buti nalang hindi ka gutom. tatambay ka lang sa laptop mo forever. tatamarin ka maligo. pero maliligo ka pa din kasi sobrang init nga. Gusto mong magyosi pero nawawala yung lighter. Maalala mo bgla yung pamilya mo pero ayaw mo muna talaga sila iChat kasi ang totoo, mahirap talaga silang makitang kumpleto tapos ikaw lang yung wala.
Iisipin mo kung hanggang kylan mo ba mararamdaman to. Kung bakit 3 buwan ka na dito eh ngayun ka nalang ulit nagsulat at nkipagusap. Papawisan ang buong katawan mo. at magiisip ng panibagong trip kung pano mo uubusin ang buong araw mo vs. walang kwenta days.
Nahanap ko na yung lighter.
Bumili akong tripod. Tapos bumili dn ako ng bumbilyang butterfly na di ko naman sinisindihan. Magkakabalak din akong bumili ng SLR na may video. Tapos LAHAT sila isosoli ko b4 30 days. Yan gusto ko sa US. gagamitin ko lang sila at iingatan pero isosoli ko din at ibabalik nilang full ang pera ko. mararanasan ko sila for free :)
| — | Peter Cameron, Someday This Pain Will Be Useful to You (via tonybattung) |






